10 UNCOMMON TAGALOG WORDS
- eunicesaul08
- Sep 28, 2019
- 2 min read

Sambat
English Word: fork (Apparently tinidor is not that formal/old)
Meaning: An implement with two or more prongs used for lifting food to the mouth or holding it when cutting.
Sentence: Ang sambat ay malimit na ginagamit sa hapag-kainan ng maraming Piipino.

Labaha
English word: razor
Sentence: Gumagamit ang aking ama ng labaha tuwing gabi.

Tampalasan
English word: traitor (we now use 'traydor' or 'manloloko'
Sentence: Isang napagkamalang tampalasan ang ipinahuli kahapon at ikinulong ng magdamagan.

Salipawpaw
English word: airplane (now it's just 'eroplano')
Sentence : Aliw na aliw ang mga bata sa salimpapaw na dumaa kanina, kahit pa ito’y nagdulot ng sandaling matinding ingay.

Kalupi
English word: "wallet" in English ("pitaka" is usually use than kalupi).
Meaning: is a small, flat case that can be used to carry such personal items
Sentence: Isang panibagong kalupi ang iniregalo kay Maria ng kanyang ina sapagkat kaniyang nawala ang lumang kalupi.

Panimdim
English word: means a deep sense of loss
Sentence: Isang panimdim ang dinaramdam ni Rodrigo matapos sumakabilang buhay ng kaniyang pinakamamahal na ina.

Pahimakas
English Word: Last Farewell
Meaning: Used to express good wishes on parting.
Sentence: Bilang pahimakas kay Jose, isang liham at regalo ang ibinigay sa kaniya ng kaniyang mga kapatid.

Payneta
English Word: Comb
Meaning: A strip of plastic, metal, or wood with a row of narrow teeth, used for untangling or arranging the hair
Sentence: Isang payneta ang inirigalo sa kaniya sapagkat laging magulo ang kaniyang buhok.

Pang-ulong hatinig
English Word: Earphones
Meaning: A device that holds an earphone and a microphone in place on a person’s head.
Sentence: Pinagamit ang mga estudyante ng isang pang-ulong hatinig upang mas marinig nila ang pinapanood n aralin.

Badhi
Meaning: lines on the palm of one’s hand
Sentence: Binabasa ang badhi ng isang tao upang malaman (o mahulaan) ang kaniyang kapalaran.

Kabtol
English word: Switch
Meaning: change the position, direction, or focus of.
Sentence: Pinagkabtol niya ang mga kagamitansa harapan upang mas makita ang iniirog.
Comments